Like I reported yesterday, it’s a trip to the outlets today. Nasa Pinas pa lang kami, the kids were already looking for premium outlets we can visit once we hit Tokyo hehe. Sila ang totoong mga shopaholics, not me. Kap always says I shop a lot. Asan? Hindi kaya ako ma-shopping. I buy ONCE or TWICE a year ng 1-2 items, then that’s it. Sila, halos araw-araw! Tapos iga-garage sale lang o ipamimigay, sakit sa dibdib! @_@
Gotemba Premium Outlets is an outlet mall located in Gotemba, Shizuoka, Japan, near Mount Fuji (kaya may piccie kami with Fuji sa background). It was opened on July 13, 2000, and contains over 200 stores. Ang talagang pakay ni Kap jan, kahit na sobrang layo from the city, is the faken Seiko Outlet Store! (it took us almost 3 hours to get there kasi nag-paiba-ibang sasakyan pa kami. Merong bus na straight, but we didn’t make it on time. Eh pwede naman pala bumili ng ticket online, with matching schedule pa hayz – #firsttimers).
Unbeknowst to me, Kap already made arrangements pala & reserved a faken watch paglapag palang namin ng Tokyo! Ako, talagang kontra sa Seiko kasi tingin ko wala masyadong kwenta. Gagastos na din lang at ipamamana kay Babyson, sana mas maganda at mas mamahaling-klase na. Eh itong si Kap, ewan ko ba at lokong-loko sa brand na Seiko. Meron namang Rolex, Cartier, Panerai, Audemars atbp – wala lang nga sa badget nya HAHAHAHAHA! 😛
—
—
Ayan, tuwang-tuwa ang mokong sa nabili nyang Seiko Prospex Marinemaster 300 at a discounted price (nakamura sya ng Php 25-30k). Secretly, happy na din ako kasi finally paguwi namin, pwede ko nang gamitin yung Lindy na tinatago ko sa cabinet at naka-box & tissue pa hahahahaha. Wala siyang maisusumbat sa akin kahit na 1/4 lang ng presyo yung relo nya sa bag ko! 😛 (True naman, I shop 1-2x a year only coz hebigat ang binibili ko lels. Btw, the Hermes Lindy I bought is a size 34 Clemence Leather. <3 I may or may not “debut” it on our trip to Fukuoka this Feb. Since it’s my birthday travel, baka makalusot pa ako ng 1 bag bilang regalo. Kaya esep-esep pa ako ng maige kung ilalabas ko na ba, o tago pa more hekhek!)
After a very eventful shopping expedition at the outlets & a media noche meal of Shake Shack burgers, God was SO GOOD to have reserved FIVE LAST SEATS for us in the bus pauwi huhu. As in LAST 5 na talaga, otherwise we would have had to take several & different modes of transpo to get home, riddled with so many packages. Nakakatakot talaga kasama itong pamilya ko. Biro nyo, closing time na kami nakaalis ng oulets, buti nalang talaga at may saktong 5 seats kami pauwi! Hong lomig pa naman dahil malapit sa bundok.
As it was, we were able to get back home after just over an hour. Thank you so much Lord! :-* Sa uulitin po hehe. #mgapasaway
PS: Wala na kaming paputok ngayong New Year’s Eve, kasi lahat ng credit cards namin nagsiputukan ng nga maaga-aga hehe. Managong Bagong Taon sa inyong lahat! <3
No Comments