Kap: Sweetheart, kailangan natin bumili ng isang bag pa.
Me: Ha? Diba nagbukas ka na nung 2 baon natin? Kailangan mo pa rin ng 1 pa??
Kap: (pointing to the mess on the bunkbed & the floor) Ayan oh, saan ko isasaksak yan? Lahat ng bag natin pumuputok na. Yung pinagbihisan pa natin ngayon saka yung bibilhin mamaya?
Me: Bibilhin mamaya? Anong bibilhin mamaya? Mamimili pa kayo yung lagay na yan?? Hindi kailangan ubusin ang yen dito, tinatanggap ng banko sa Pinas yan ano ba!
–
Hayz. What is it with these people? Bakit parang tuwang-tuwa sila mamili? Ako nga walang nabili, as in 0. Hindi ko talaga maintindihan bakit sila nagpa-panic buying sa Tokyo.
–
So ang kinalabasan, takbo sila Kap & Babyson sa Donki to buy an extra bag (we are allowed 2 bags of 20 kilos each per passenger in Ana Air) making our bag count to 10! Nagpaiwan na kaming mga girls coz the 2 were also last-minute packing!
–
After finally getting it out of our way, we were off for a last meal in JaFun. We found ourselves in Tokyu Department Store where Kap & the giblings found even more abubuts to buy. GRAVEH. Truly.
–
When I questioned our lunch destination “BAKIT TAYO NASA DEPARTMENT STORE EH TAPOS NA TAYO MAG-EMPAKE???” Babyson reasoned out that he googled & found a great sushi place in the heart of the Tokyu Department Store. Buti nalang at talagang presko at masarap yung sushi, otherwise, kutos na silang 4 saken ha! @_@
–
Sayang talaga at last day na namin na-discover itong TDS huhu. Ang daming food display na ang sasarap tignan! So when in Tokyo, make sure you take a peek at what the food section at this department store has to offer.
—
—
Alam nyo, itong si Kap, he always wants value for money. He found 2 bags of different sizes in Donki pero magka-presyo. Naturally, yung mas malaki ang pinili ni Kapitan Kunat – para daw mas madaming mailagay. Magaling, magaling, magaling. Hindi inisip ng kumag na yung binili nya eh considered as “oversized baggage” na dahil sa laki! At may extrang bayad!
–
So ayan, tuwang tuwa ang Kapitan Kunat sa nabili nya – so proud at feeling naka-jackpot pa. Pagdating namin sa airport, WAKANGA! Ayaw tanggapin ang mahiwagang bag, kasi nga, OVERSIZED.
–
Kaya imbes na wala kaming pila dahil nasa Self Bag Drop counter na kami, bitbit uli lahat ng bag at pila na naman kami sa Support Counter & Oversized Baggage Counter.. all because Kap needed to get faken value for his faken money! @_@
–
Ka-lechehang bag yan, kahit ako kasya sa loob eh. That’s how big it was. Imbes na tapos na sana kami, nagtagal pa.
–
At! Hindi lang yun. Itong pasaway kong OTL, hindi pa tinanggal yung ipad at powerbank ko sa hand-carry nya. Kaya natigil na naman kami sa inspection huhu. Parang hindi sanay mag-travel! Ilang beses na ba tayong limilipad ha? You still don’t know the drill? Dafak?
–
Paglusot namin finally, aba, nag-hoarding naman sila ng Royce Chocolates sa Duty Free dahil saksakan ang minura. Wala na nga mapaglagyan, 2 shopping bags-full pa ang pinakyaw nila. Mga teh, magbenta ba kayo nyan sa bazaar?
–
Thankfully, we were eventually called to board. Kung hindi, baka namili pa sila ng namili hanggang abot-kaya! After an uneventful flight, we, our 10 luggages, and our chocolates, landed safely back in Manila. Home sweet home! <3
–
I hope you enjoyed our GO-kyo 2019/2020 misadventures! 😛 Kap & I will be back in February for my birthday trip. Hindi pa nga kami nakakalabas ng airport, ang daming bilin na ng magkakapatid samen. #parasaekonomiya #ibanglevelna
No Comments