“Sweetheart, magyu–Universal Studios na naman ba tayo? Ilang Universal na ba ang napuntahan natin, hindi ka pa ba nagsasawa?”
My reply to Kap. A short but direct to the point HINDI. Then I clicked the “Buy” button & voila, we had 5 tickets hehe. Wala na syang nagawa. No refund eh, gusto nya masayang? 😛
This is our first Universal experience in Hollywood actually. Kasi the last time we went to the U.S., we devoted 3 days in Disney & California Adventure dahil nga bata pa the giblings. Feel namin they would appreciate Disney more. Universal is more for the big kids & adults.
Tapos Legoland over Universal naman nung sumunod na punta naming Amerika. Kaya this time around, I really insisted that YES, we are doing this! 😛
Ang problema, I suddenly developed an adult-onset motion sickness. I swear, hindi into imbento. When I was much younger, lahat ng klase ng roller coaster, sinasakyan ko. Hindi ako naduduwal. Aba, itong Harry Potter ride, nahilo talaga uli ako ng sobra sobra (I thought it was just a fluke when I got dizzy with the same ride in Osaka).
Nakakadiri mang sabihin, pramis, I threw up a little in my mouth during the ride & had to rush to the nearest waste basket to throw up the rest upon exit!
I don’t mean to be a killjoy, coz the kids really like the rides in Universal, pero pumili sila. Iuwi nila ako sa stretcher?! Ang ending, taga-bantay nalang ako ng gamit nila. Tapos kain ng kung anu-ano habang naghihintay. O, eh di everybody happy, diba? 😉
—
—
I don’t know if it’s because of the season, o kung worldwide talaga, 10-6 lang ang operating hours dito sa Universal Studios Hollywood. Feel ko parang sobrang bitin. Sana hanggang 8 man lang. Altho the queues were much shorter. Nung nag-USJ kami, ang hahaba ng mga pila, we even had to buy fast passes on top of the regular entrance tickets. Pero dito sa USH, 30 minutes max lang ang pila.
—
—
Highlight of our USH adventure was the Studio Tour. Ito ang exclusively for Hollywood lang at wala sa ibang Universal Studio outlets kasi nga, dito ginagawa ang movies. So I highly suggest that you take this 1-hour tram tour dahil sulit na sulit.
—
—
Shuffled past Universal CityWalk to get to the parking & ended up buying more stuff. Kaya takot si Kap mag-travel kasi panay ang shopping ng mga bagets. Hanggang hindi nauubos ang pocket money nila, bira lang ng bira! ;))
—
—
Capped off our day with what else, eh di chinese food pa rin! Remember in Europe? Gabi-gabi ganyan din ang gawain namin? Kap & the kids kenat live without rice. Ako lang ang masaya sa burger, pizza, hotdog at kung anu-ano pa.
—
—
Tomorrow’s agenda is Big Bear. Wala pa kaming nakikitang snow kaya kahit na 2 hours ang byahe, nag-maktol talaga ako & insisted that WE ARE GOING. Masunurin naman sila. Well, give & take yan. Kung gusto nila ng chinese food, ako gusto ko sa snow.
Naguulat, si Jane Go – for the win. ;P
No Comments